简体中文
繁體中文
English
Pусский
日本語
ภาษาไทย
Tiếng Việt
Bahasa Indonesia
Español
हिन्दी
Filippiiniläinen
Français
Deutsch
Português
Türkçe
한국어
العربية
Abstract:Ang Introducing Brokers ay isang mahalagang bahagi ng industriya ng trading. AngIntroducing Broker (kilala din bilang IB),ay isang kumpanya o indibidwal na nagre-refer sa mga bagong kliyente sa trading company (isang broker) at nakakatanggap ng pabuya (komisyon) para doon.
Ang Introducing Brokers ay isang mahalagang bahagi ng industriya ng trading. AngIntroducing Broker (kilala din bilang IB),ay isang kumpanya o indibidwal na nagre-refer sa mga bagong kliyente sa trading company (isang broker) at nakakatanggap ng pabuya (komisyon) para doon.
Sa madaling salita, ang IB ay gumaganap bilang tagapamagitan ng broker at trader, na nag-uugnay sa kanila sa isa't isa. Sa ganitong uri ng kooperasyon, inaalagaan ng IB ang kanyang mga kliyente sa pamamagitan ng pag-aalok ng pag-konsulta, pagbibigay ng kaalaman, suporta, kabilang na ang mga stratehiya at senyales sa trading. Pinahahalagahan ng IB ang kaligayahan ng kanyang mga customer dahil dito nakasalalay ang kita niya.
Naglunsad ang IQ Option ng model ng kooperasyon para sa Introducing Broker at mayroon kang ekslusibong pagkakataon para makilahok.
Ano ang ginagawa ng isang Introducing Broker?
Ang isang Introducing Broker ay naghahanap at nagre-refer ng mga bagong customer sa isang trading company sa pamamagitan ng pag-aalok at paga-advertise ng mga serbisyong may kinalaman sa pagte-trade tulad ng:
•pamamahala ng portfolio ng isang kliyente o trading community;
•pagtuturo at pagtu-tutor tungkol sa trading;
•mga eskwelahan at akademiya;
•mga seminar at webinar;
•mga senyales, ideya tungkol sa pamumuhunan, at pinansyal na pagkonsulta;
•mga opisina ng mga lokal na kinatawan at exchanger;
•pamamahala ng pondo at portfolio;
•iba pang mga kaganapan at serbisyo para sa mga trader.
Kailangang magrehistro ang customer ng isang account sa trading system sa pamamagitan ng link ng IB para makilala bilang trader ng IB. Kapag pinondohan na ng na-refer na kliyente ang kanyang account at nagsimulang mag-trade, magsisimula nang kumita ng komisyon ang IB batay sa pagganap ng trader.
Interesado ang isang IB na panatilihing nagte-trade ang kanyang mga kliyente nang mas matagal hangga't maari, dahil habang lalo silang nagte-trade, mas tumataas ang kita ng IB.
Sino ang puwedeng maging introducing broker?
Halos walang paghihigpit para sa mga gustong maging Introducing Broker. Maging kumpanya ka man o isang indibidwal, maaari kang maging isang IB. Hindi mo kailangang maging isang propesyonal na trader, at hindi mo rin kailangang makakuha ng kahit na anong lisensya o katunayan.
Ganoon din sa IQ Option IB Program. Hindi umaabot sa isang minuto para maging IB na may IQ Option: ang kailangan mo lang para magparehistro ay isang account at puwede ka nang magsimula.
Paano pumili ng tamang broker para makipagtulungan?
Mahalaga ang pagpili ng tamang broker sa iyong tagumpay. Ipapaliwanag pa namin sa katagalan kung bakit magandang ideya ang IQ Option Introducing Broker.
Makatotohanang mga termino sa pakikipagtulungan
Magpakatotoo tayo. Pera naman talaga ang mahalaga. Mahigpit ang kumpetisyon sa industriya at hindi nag-aatubili ang mga kumpanya ng trading na mag-alok ng nakakagulat na malalaking komisyon, na minsan ay umaabot sa 70–80%.
Maging makatotohanan. Ang tunay at lehitimong mga kumpanya ng trading ay sumasagot sa malalaking halaga ng pagpapatakbo kung saan, bukod sa iba pang mga bagay, kabilang ang pagpapa-advertise, mga sahod, opisina, suporta sa customer, mga lisensya, legal na serbisyo, billing, dealing at marami pa. Imposible sa ekonomiya ng isang investment firm na magbahagi ng 70% o 80% ng kanilang kita sa kasosyo.
Ang mga alok ng mga hindi kapani-paniwalang laki ng komisyon ay walang iba kundi masamang senyales. Mag-ingat, baka may kapalit sa ibang paraan. Maaaring maloko ka sa pamamagitan ng mga istatistika, o ang mataas na komisyon ay maaaring may limitasyon sa oras at bababa nang sobra ang % pagkatapos ng itinakdang panahon, o maaari ring ang komisyon ay kinakalkula na ibinabawas ang gastos, o di kaya'y isang pandaraya lang ang kumpanya at malulugi rin ito agad.
Mga Tip:
• Huwag maghabol ng sobrang laking mga komisyon. Baka mas malaki ang pagbayaran mo sa huli.
• Magandang subukan mo muna mismo ang lahat. Huwag mag-aksaya ng coin! Magrehistro bilang trader sa pamamagitan ng iyong link, gumawa ng maraming trade at tingnan kung gaano karaming pera ang babalik sa iyo sa account mo.
Sa pamamagitan ng pakikipagtrabaho kasama ng IQ Option IB Programhttps://ib.iqoption.com/main/?source=WIKIFX, makakatanggap ka ng komisyon na hanggang 45%.
Paano ito gumagana?
Makakatanggap ka ng 40% sa simula. Ang IQ Option IB Program ay nagbibigay ng karagdagang insentibo sa mga makakakuha ng maraming kliyente. Kung nagawa ng isang IB na makapag-refer ng 20 aktibong kliyente sa loob ng 30 araw, makakatanggap ang IB ng mas mataas na rate na 45% komisyon sa loob ng susunod na 30 araw. Para panatilihing mataas ang rate, kailangang magdagdag ng 20 pang trader at ganoon ulit sa susunod.
Insurance ng trader at garantiya sa kita
Madalas na mangako ang mga broker ng hati mula sa kita, ngunit madalas din nilang hindi binabanggit na kasama nito, madalas na pananagutan ng mga kasosyo ang 100% ng panganib. Anong ibig sabihin nito? Halimbawa, nagawa mong mag-set up ng tuloy-tuloy na daloy ng kliyente at nakaabot sa isang antas ng kita, at sumali ang isang matagumpay na trader sa pamamagitan ng iyong link. Ang pandaraya rito ay iyong 100% na kita ng trader ay ipagpapalagay na galing sa iyong account na siyang magbababa sa kita mo sa zero, na siyang sisira sa mga nakamit mo noong nakaraan.
Binibigyan ka ng IQ Option IB ng insurance ng trader at garantiya sa kita. Makakatanggap ka ng hiwalay na komisyon para sa bawat trader. Ang ibig sabihin, hindi makakaapekto ang tagumpay ng isang trader sa pagganap ng iyong account.
Platform para sa trading
Hindi ka masyadong kikita sa platform na mahirap gamitin ng mga tao. Karamihan sa mga broker ay gumagamit ng MetaTrader, isang platform para sa trading na dinisenyo 15 taon na ang nakakaraan. Walang problema ang mga propesyonal na trader dito, ngunit tandaan na kadalasan, ang Introducing Brokers ay hindi nakikipagtrabaho kasama ng mga propesyonal na trader. Naghahanap ang mga ito ng mga baguhan, kaya kailangan mong maghanap ng mas madaling gamitin kaysa MetaTrader.
Nag-aalok ang IQ Option ng kanilang na-develop, moderno at madaling gamiting platform para sa trader. Nagbibigay ito ng mahusay na unang impresyon dahil sa at malinaw nitong interface. Nandoon na lahat ng kinakailangang tool: mga materyales na pang-edukasyon, video tutorial, kalendaryo ng ekonomiya at kita, teknikal na indicator, tool para sa graphics, blog, artikulo, chat, atbp. Sa madaling salita, lahat na kakailanganin ng isang trader. Ang platform ay may higit sa 52 milyong user sa 187 bansa — ang mga numerong ito na ang nagsalita.
Mas maganda palaging kumuha ng sariling karanasan at i-test mismo sa sarili ang isang trading platform bago gumawa ng panghuling desisyon. Good luck sa iyong bagong negosyo bilang isang introducing broker!
Disclaimer:
The views in this article only represent the author's personal views, and do not constitute investment advice on this platform. This platform does not guarantee the accuracy, completeness and timeliness of the information in the article, and will not be liable for any loss caused by the use of or reliance on the information in the article.
Investors are not suggested to trade at the platform of unfamiliar brokers, unless they're 100% sure about the broker's compliance.
Introducing Brokers are an important and valuable part of the trading industry. An Introducing Broker (aka IB), is a company or an individual that refers new clients to a trading company (a broker) and gets a reward (commission) for that.